13 ENERO 2021 AY BUKAS (OPEN) na muli ang lahat ng tanggapan sa ating Munisipyo

PAUNAWA
MGA MAHAL NAMING MGA KABABAYAN:
Malugod po naming ipinababatid sa inyo na sa araw ng MIERKULES, 13 ENERO 2021 AY BUKAS (OPEN) na muli ang lahat ng tanggapan sa ating Munisipyo upang maglinggkod sa inyo.

Matatandaang pansamantalang nagsara ang mga tanggapan sa Munisipyo ng Bamban nitong ika-11 at 12 ng Enero 2021 sa kadahilanang may isang taga-ibang lugar na nag positibo sa COVID-19 ang nakasalamuha ng isa sa ating empleyado at siya ay nakitaan ng simptomas ng COVID. Dahil dito, upang masiguro ang kaligtasan ng lahat mula sa COVID-19 minabuting isara pansamantala ang lahat ng mga tanggapan sa Munisipyo at isailalim sa RT-PCR test ang naturang empleyado.
Makalipas ang 24-oras ayon na rin sa ating Municipal Health Officer, Dr. ROMMEL P. LEAL, lumabas na ang resulta ng TEST at NAG NEGATIBO ang naturang empleyado.
Asahan po ninyo na patuloy kaming maglilingkod at sisikapin mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at mapangalagaan ang ating mga kalusugan.
Maraming Salamat po.

Address

Mc-Arthur Hi-way Brgy. Anupul Bamban, Tarlac

Telephone No.: (045) 925 0050

Copyright © 2020. Municipality of Bamban, Province of Tarlac. All rights reserved. Powered By:

Official Website of Bamban Province of Tarlac