2014 ACCOMPLISHMENT REPORT NI MAYOR JOSE ANTONIO “JON” FELICIANO
By: Cherrylyn M. Pascua
Bamban- Inilahad ni Mayor Jose Antonio “Jon” Feliciano ang mga kaganapan sa kanyang panunungkulan para sa taong 2014. “Ang taong 2014 ay isang produktibo at challenging na panahon ng aking panunungkulan. Produktibo dahil sa taong ito ay maraming mga magagandang pangyayari ang ating nakamit para sa ating bayan, challenging dahil ito ay ang aking unang termino para pamunuan ang aming bayan”, wika ni Mayor Feliciano
Muli po nating balikan ang mga nagdaang panahon ng ating bayan: Napakatamlay ng ating ekonomiya. Walang nagnanais na mamuhunan at magtayo ng kanilang negosyo sa ating bayan. Marami ang nangingibang bayan upang makipagsapalaran. Kulang na kulang ang tulong pinansyal para sa mga taga Bambanense.
“Sa panahon po ng ating pag-upo ay marami ang kinailangan gawin upang makausad at maumpisahan muli nating mangarap para sa ating bayan at gumawa ng mga positibong bagay para sa pag angat at pagbangon ng Bamban,” dagdag pa ng butihing Mayor.
Inumpisahan ang pagbabago sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Alamin ang pinag-ugatan ng mga suliranin at intindihin ang kasalukuyan at panghinaharap na suliranin;
2. Pakikipagpulong sa mga Department Heads at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan;
3. Pakikipag dayalogo sa iba’t-ibang mga sector tulad ng mga Magsasaka, Senior Citizen, Business owners, NGOs, CVOs, School Heads, Teachers, Barangay Officials at Councils at iba pa.
“Bilang AMA at HALIGI ng Bayan, kinakailangan kong maghanap-buhay para sa pangangailangan ng aking mga nasasakupan”, isang matalinhagang pahayag ni Mayor Feliciano.
Construction of “AAA” Poultry Dressing Plant inumpisahan sa Bamban
Inumpisahan na ng lokal na Pamahalaan ng Bamban katuwang ang Department of Agriculture-National Meat Inspection Services (NMIS) ang konstruksyon ng AAA Poultry Dressing Plant na nagkakahalaga ng ONE HUNDRED TWENTY MILLION PESOS (Php120,000,000.00). Ang naturang proyekto ay hindi utang bagkus ito ay pinagkaloob (GRANT) ng DA-NMIS dahil na rin daw sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Feliciano sa naturang ahensya.
Rehabilitation of Public Market at Slaughter House
Umabot lamang sa SIX HUNDRED NINETY ONE THOUSAND THREE HUNDRED NINETY PESOS (Php691,390.00) ang pagpapaayos ng Bamban Public Market Phase 1 at Slaughter House. Lubos na ikinatuwa ng mga magbababoy ang pagkakalinis at pag-papaayos ng slaughter house. Samantalang ang 10 bagong stalls sa Pamilihang Bayan ay nagbigay daan upang magkaroon ng permanenteng stalls ang mga BOLANTE o AMBULANT VENDORS. “ Para mikswelo la reng manyali queni balen tamu, dapat malinis at masalese ya ing kekatamung palengki. Queng makanining paralan dakal la reng manyali at dakal kayu panakitan”, ayon na rin sa mensahe ng butihing Mayor. Ang mga naturang istraktura ay kabilang sa Economic Enterprise ng Bamban.
4P’s inilunsad sa Bamban
TUMANGGAP ang 1,120 Beneficiaries ng pinansyal na tulong para sa kanilang mga anak bilang ayuda ng Pamahalaan para sa kanilang pag-aaral at pang-medikal na pangangailangan sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinaguriang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o 4P’s.
Sinabi ni Mayor Jon Feliciano na ang 4Ps ay malaking tulong sa mga kababayan nitong mga mahihirap o salat sa buhay dahil ang bawat pamilya ay makakatanggap ng P1,400 kada buwan sa loob ng 10 buwan (school period from June to March) ang bawat bata mula 14 na taong gulang pababa sa loob ng Limang (5) Taon.
Idinagdag pa ni Mayor Jon na bawat pamilya ay mayroong P500 kada buwan para sa health expenses.
Pinaalalahan din ni Mayor Jon ang mga magulang na tumanggap ng biyaya mula sa DSWD na gamitin sa wasto at tama ang perang natanggap para sa kapakanan ng kanilang mga anak upang makatapos ang mga ito ng hayskul.
Ayon pa kay Feliciano na “kapag ang mga anak natin ay nakapagtapos ng hayskul, ang lokal na pamahalaan ay handing tumulong at umalalay sa ating mga anak na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo o kaya’t sa maiiksing mga kursong pangteknikal.”
Ikinakasa din ng kanyang administrasyon ang mga teknikal na kaalaman para sa mga magulang tulad ng food processing, reflexology, dressmaking, beauty culture, call center agent training, cellphone repair at iba pa.
MEDICAL TEAM ng Bamban
“Sa loob ng ilang buwan kong pagseserbisyo sa ating bayan, napansin ko ang mga report na dumarating mula sa Municipal Health Office at DSWD na