
Arbor Day – Tree Planting Celebration
Rain 🌧 or rain 💧🤣, tuloy ang Arbor Day Tree Planting project na naganap sa Barangay Lourdes dito sa ating bayan ng Bamban.
Maraming salamat po sa nakiisa sa ating programa kaninang umaga😊 at nag bigay ng kanilang mensahe, una na dito ay si Engr. Michael Lugma mula sa MENRO ang punong abala sa paghanda ng ating programa, Kap. Levy Tadeo at mga kagawad, salamat po sa pagasikaso sa ating pagtataniman sa Barangay Lourdes, sa ating mga kapulisan at Chief of Police Pol/Maj Eduard Castulo, Insp. Fernando Duran ang ating Municipal Fire Marshal, Mr. John Douglas, Asst. technical Director of Pilmico at si Mam Ma. Teresa Samson ang Manila Bay focal person mula sa DENR Tarlac.💕🙌
Naging masaya po ang ating umaga bagama’t maulan at mahangin ay pinagbigyan pa rin po tayo ng panahon kasama ko si Admin Alex Abrenica na nagdiriwang pa ng kanyang kaarawan at ang ilan pang mga environment warriors natin na nagtanim kaninang umaga, mga bamboo seedlings po ito at siguradong madadagdagan pa.
Salamat po sa inyo dahil anuman ang sungit ng panahon ay nabigyan niyo po ng oras ang selebrasyon ng Arbor Day.
Mahalin po natin ang ating kapaligiran, lalo na ang ating Bayan ng Bamban.
(Abangan ang video bukas😊)
#arbordaybambantarlac
#SpreadLoveLoveLove
#TeamAliceGuo
#MayorAliceLealGuo
#AsensoGarantisado
#AksyonGuo
#BambanTarlac
#TeamBamban