BAMBAN “AAA” POULTRY DRESSING PLANT TO EMPLOY 200 BAMBANENSE

by:  Cherrylyn M. Pascua

Bamban, Tarlac.  Pinangunahan ni Mayor Jose Antonio T. Feliciano at ng buong kinatawan ng Sangguniang Bayan ng Munisipalidad ng Bamban ang Dry Run ng Bamban “AAA” Poultry Dressing Plant na itinayo sa Sitio Dulupon, Barangay Banaba ng nasabing Munisipalidad sa pamamagitan ng “Grant” o Gawad mula sa tanggapan ng Kagawaran ng Agrikultura – NMIS.

Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa mga labi ng butihing Mayor ng masaksihan ang pag-andar ng mga makina at simulan ang proseso ng pagkatay at paglilinis ng mga manok gamit ang naturang mga makina.

Tinatayang nasa dalawang daan (200) mamamayan ng Bamban ang magkakaroon ng hanap-buhay sa pagbubukas ng nasabing pasilidad.  Sa kasalukuyan ay tumatanggap na ang opisina ng butihing Mayor ng mga aplikante para sa naturang pasilidad.  Ang mga mapipiling aplikante at sasailalim sa masusing pag-aaral o pagsasanay para sa maayos na operasyon ng pasilidad.

“Ito na ang umpisa ng pag-asenso ng bayan ng Bamban.  Kaming mga kasalukuyang nanunungkulan sa bayan ay nagkakaisa at naniniwala na di kailangang mangutang upang maitayo ang mga ganitong pasilidad.  Ang kailangan  ay sipag at tiyaga na makipag-usap sa mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyonal upang mabigyan ng mga makabuluhang mga proyekto na makikinabang ang aming bayan,” wika ng butihing Mayor.

Ito ay sinang-ayunan naman ng mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ng kasalukuyang Vice Mayor William P. Cura.  “Ang Administrasyon ni Mayor Feliciano ay maraming mga nagawang proyekto na di kailangan mag-loan o mangutang na gaya ng ginawa ng mga naunang mga nanungkulan sa Bayan.  Hangga’t maaari ay iniiwasan ang pangungutang,” ito naman ang mga sinalita ng nasabing Vice Mayor.

Ipinagmalaki naman ng kasalukuyang ABC President Jose M. Salting Jr. ang iba pang mga proyekto ng Administrasyong Feliciano, at ilan sa mga ito ay ang:

  • Medical Assistance sa tulong ng mga Medical Team
  • Libreng Burial Service para sa mga Indigent
  • 100 IP Housing na galing sa pondo ng NHA
  • Libreng Transportasyon para sa mga estudyante na nakatira sa mga malalayong sitio.

Mapag-pakumbaba namang sinang-ayunan ng butihing Mayor ang mga sinabi ng kanyang mga kasamahang nanunungkulan sa Bayan.  Ayon sa kanya, Programa para sa Trabaho, Edukasyon at Kalusugan ang nangunguna sa kanyang mga balakin.  Kinakailangan lamang talagang lumabas ng Bayan, makisalamuha sa mga Opisyales ng iba’t-ibang sangay ng Gobyerno upang makakuha ng mga proyekto para sa Bayan na siyang magagamit nama upang tugunan ang mga Programa at Proyektong Panglokal gaya ng BAMBAN “AAA” POULTRY DRESSING PLANT.

Inaasahan sa buwan ng Oktubre mag-uumpisa ang OPERASYON ng naturang pasilidad.  Ang mga poultry raisers ng Tarlac at ng mga karatig lugar ang seserbisyuhan ng nasabing pasilidad. (by: CHERRYLYN M. PASCUA)

Quick Links

Bids and Awards
Citizen's Charter
Transparency Seal
Business Permit and Licensing
Forms
Reports

Contact Us

Mc-Arthur Hi-way Brgy. Anupul Bamban, Tarlac

Telephone No. : (045) 925 0050
Email: [email protected]
Website: www.bambantarlac.gov.ph

Location

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GovPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Gazette
Open Data Portal

Government Links

Office of the President
Office of the Vice President
Senate of the Philippines
House of Representatives
Supreme Court

Copyright © 2020. Municipality of Bamban, Province of Tarlac. All rights reserved. Powered By:

Official Website of Bamban Province of Tarlac