
Bamban Procedures for Covid Cases
Para po sa mga nag-tatanong kung ano na pong mga hakbang ang ginawa po ng Bayan ng Bamban ukol po sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa ating Bayan:
Noong July 31, 2020 po nag-sagawa po tayo ng Rapid Test sa mga PNP personnel na naka-destino po sa ating Bayan.
Matapos po noon, dinala po lahat sila sa Quarantine Facility at nag-sagawa po tayo ng intensive contact tracing.
Aug. 5, 2020 po sumailalim po ang lahat ng personnel ng PNP sa SWAB testing pati na rin po ang lahat ng kanilang mga nakasalamuha (base po sa contact tracing na ating ginawa)
Sa ngayon po ay patuloy pa rin po ang pag-sasagawa ng contact tracing.
Maigting pong pinapayuhan ang lahat na kung maaari po ay huwag na muna po lumabas kung hindi kinakailangan.
Kung hindi po maiwasang lumabas, mangyari lamang po sana na tayo po ay:
- Magsuot ng Face Mask at Face Shield upang ma-protektahan at ating sarili laban sa sakit
- Ugaliin pong mag hugas lagi ng kamay o kung hindi naman po ay magbaon po lagi ng alcohol
- Kapag tayo po ay lalabas ng bahay, maligo po sana tayo agad pagkapasok po sa bahay upang maiwasan ang pag kalat ng virus sa ating tahanan
- Kung kayo naman po ay namili sa grocery o tindahan, i-disinfect muna po ang mga pinamili bago ipasok sa bahay. Sa ganitong paraan po ay maiiwasan natin na makapasok ang virus sa ating tahanan
Huwag din po sana tayong mag-panic at gumawa ng kung ano anong kwento na maaaring maka gulo po lalo ng sitwasyon. Sa halip ay maging mas maingat po tayo at laging sumumod po sa mga panuntunan ng IATF.