Skip to main content

MAYOR JON FELICIANO ng Bayan ng Bamban sa Pagdiriwang ng Cultural Week

By: CHERRYLYN M. PASCUA-Designated Tourism Officer

Bamban, Tarlac- Pangungunahan ng butihing Alkalde ng bayan ng Bamban na si Mayor Jose Antonio T. Feliciano ang pagdiriwang ng Cultural Week na gaganapin mula January 24-27, 2018. “Ang pagdiriwang ay punong-puno ng iba’t-ibang aktibidades at karamihan dito ay ang mga social services para sa mga mamamayan ng Bamban” ayon sa butihing mayor.

Ilan sa mga gawaing gaganapin sa mga araw na nabanggit ay ang mga sumusunod:

January 24, 2018 Mass Blood Letting ng mga Katutubong Aeta

Lakan ng Bamban Talent Night

January 25, 2018 Farmer’s Day

Zumba Fiesta

January 26, 2018 Street Dance Competition

Bamban Got Talent

January 27, 2018 Grand Parade of Float

Lakan ng Bamban Coronation Night

Inumpisahan ang pagdiriwang na ito ng may dalawa (2) lamang na aktibades. Subalit sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang sector at ng naitalagang Tourism Officer maraming mga makabuluhang Gawain ang isinasagawa. Kabilang na rito ang pagbibigay ng pugay sa mga magsasaka ng Bamban.

Ang Blood Letting naman ay naisip isagawa ng mga katutubong Aeta dahil na rin sa kanilang nasaksihan sa kaimportantehan ng pagdodonate ng dugo dahil minsan sila rin ay nangailangan ng dugo para sa kanilang mga may sakit na kamag-anakan. At bilang pagtugon ang buong munisipyo kasama ng mga katutubo ay magbibigay ng dugo sa Red Cross Tarlac Chapter.

Sa kabilang banda naman, ang mga High School Students ay magpapakitang gilas at galing naman para sa Street Dance competition. Layunin ng activity na ito ang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ipamalas ang kanilang mga talento sa larangan ng street dancing. At upang maitayo at maitatag ang pagkakaibigan sa mga estudyante at i-promote ang sportsmanship sa larangan ng kompetisyon.

Ang labing limang (15) barangay naman ay magpapakitang galing naman sa pagdedecorate ng kanilang mga float. At ito ay masisinayan sa grand parade of float sa ika-27 ng Enero 2018.

Inaasahan na ito ay magiging matagumpay dahil na rin sa pagkakaisa ng mga nanunungkulan sa munisipyo at ng iba’t-ibang sector ng Bamban.

Official Website of Bamban Province of Tarlac