PAIIGTINGIN: PAGSUGPO SA KRIMINALIDAD
Nagpatawag ng isang pulong si Mayor Jose Antonio T. Feliciano ng Bayan ng Bamban kasama ng Hepe ng PNP Bamban itong ika-1 ng Setyembre 2014 sa opisina ng Punong alkalde na kung saan pinag-usapan kung papaano paiigtinging ang pagsugpo sa kriminalidad sa nasabing bayan.
Ayon sa mga report na isinusumite ng PNP-Bamban sa pamumuno ni PCI Eleno Mangrobang, ang mga krimen na nagaganap ay naaaksyunan kaagad at sa pangkalahatan ang Bayan ng Bamban ay “PEACEFUL IN NATURE”. “ KAREN NGANG MEMALEN NA NING BAMBAN, KENG KASOPAN DA RENG KEKATAMUNG KAPULISAN AT DENG KEKATAMUNG BARANGAY OFFICIALS, MATUDTUD TANANG ALANG PIGAGANAKAN A MALYARING KRIMEN NA ALI MARESOLBA”, ang syang ipinangako ni Mayor Jon Feliciano.
Ang lokal na administrasyon ni Mayor Feliciano ay nagpamahagi ng sampung motorsiklo sa ating mga kapulisan, at bawat kapulisan ay may kani-kanyang barangay na nasasakupan upang kanilang imonitor ang seguridad at kapayapaan. Layuning ng proyekto na magkaroon ng mabilis at sistematikong pagtugon sa mga tawag na may kinalaman sa seguridad ng buong bayan ng Bamban.
Kaugnay rin nito, nasa proseso na rin ang pagbili ng mga kagamitang pangkomunikasyon, tulad ng mga 2-way Radio upang maging mabilis din ang pagtawag at pagresponde sa mga emergency calls. “ Kung ing kekatamung Balen ay manatiling mapayapa at masalese ya ing seguridad, etana akwang migaganaka dyang mabengi tamung lalakad keng dalan. Dakal la naman pu deng investor at magnegosyu na pwedeng lungub keng kekatamung balen, uling balu da ala lang pigaganakan keng seguridad ning negosyu da”, ang tinuran ni Mayor Feliciano.
At upang lalong masugpo ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan, ang buong konseho ng Bamban at bawat Barangay ay kanya rin tinawagan ng pansin na maging vigilant at panatilihin ang regular na pakikipag- ugnayan sa lahat ng kinaukulan.
“Agyang alang maragul a budget, kung misasanmetung tamu, agyu tayang panatilyang mapayapa ing kekatamung Balen”. Malaus kayu pu keng Balen na ning Bamban. (Cherrylyn M. Pascua)