Skip to main content

Programa para sa mga Bambanense, Lubos na Napapakinabangan ng Nakararami

by: Cherrylyn M. Pascua

BAMBAN, Tarlac – Suportado ng Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor William P. Cura ang iba’t-ibang proyekto at programa ni Mayor Jose Antonio T. Feliciano lalo na ang mga programang may kaugnayan sa mga social services. 

Ayon sa report na natanggap  mula sa iba’t-ibang departamento ng Munisipalidad ng Bamban ang mga sumusunod ang nagsisilbing talaan ng mga program at ng bilang ng mga nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno:

                Ayon pa kay Gng. Josephine Saclayan, Municipal Social Welfare and Development Officer, bagama’t napakaliit ng pondo ng Munisipyo, nagawang dagdagan ng Pamunuan ni Mayor Feliciano ang mga social services na talagang kapakinabangan para sa mga mamamayan.  “Lubhang napakalapit sa puso ni Mayor Jon ang mga mamamayan ng Bamban, lalo na ang mga naghihikahos sa buhay, kaya sa pagpupulong naming mga department head, lagi nya kinukuha ang aming mga opinion ukol sa mga naiisip niyang programa, turan ni Gng. Saclayan.

          “Masipag maghanap ng mga grant at pondo mula sa mga national agencies ang aming butihing Mayor”, turan naman ni Gng. Agnes Lacanlale, Municipal Treasurer.  Sa administrasyon ni Mayor Jon, ngayon lang namin nagawa ang mga iba’t-ibang programa pang social services at pang inprastraktura ng hindi umuutang o naglo-loan, dagdag pa ni Gng. Lacanlale.

          “ Kaming mga manggagawa ng Munisipyo ay nagkakaisa at Masaya sa mga improvements at mga makabuluhang mga proyekto na isinulong ng aming Mayor.  Sinusuportahan namin ang mga programa at mga proyektong kanyang ipinapanukala at ipinapatupad.  Bihira ang mga gaya niya na nasa puso ang pagsisilbi at panglilingkod sa bayan”, turan ng mga empleyado.

          “Ing tune manungkulan, apupulsu na ing pamangailangan da reng memalen.  Keng Balen Bamban, kailangan yang pokusan ing  Edukasyun, Kalusugan, Kabyayan at pamag imbita mamuhunan o imbestor, para mitigko ya ing pakamalan tamung Balen.  Kaya pin nung apapansinan da reng memalen Bamban at aliwang Balen, talagang teguyud ke reng programang pang Kalusugan, Edukasyun, Livelihood  at pamag-imbitang imbestor para keni mamuhunan”, turan ni Mayor Jose Antonio T. Feliciano.

          Pamanyulung at Pamagprogreso na ning balen, ing kakung buri gawan…. Manyaman talaga magserbisyu keng Balen… punong-puno ng sinseridad na winika ni Mayor Jose Antonio T. Feliciano

Official Website of Bamban Province of Tarlac